^

Metro

Open parking area ng NAIA-3, isinara dahil sa sunog

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

1 sa 19 kotseng natupok, may ‘flammable’

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinasara muna ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang open parking area sa NAIA terminal 3 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa naganap na pagkasunog ng 19 sasakyan, kamakalawa ng hapon.

Inabisuhan na rin ang mga may-ari ng na­damay na sasakyan na maaari silang kumuha ng fire incident certificate sa BFP para makapag-claim sila ng insurance benefits.

Sinabi ni MIAA general manager Eric Ines na mabilis ang pangyayari dahil malakas ang hangin nang mangyari ang sunog kung kaya’t agad kumalat ang apoy na tumupok sa mga nakaparadang sasakyan sa lugar.

Dalawa ang tinitingnang anggulo ngayon ng Pasay Central Fire Station na sanhi ng sunog. Una ay ang naiwang “flammable materials” sa isa sa mga nakaparadang sasakyan sanhi ng pagliyab at pagsabog. 

Isa pa sa sinisilip ng BFP, ang nasusunog na damuhan at ‘yung “pagsabog” ay isa ring dahilan ng pagkalat ng apoy doon sa mga sasakyan sa nakapaligid sa parking area.

May paglilinaw naman ang pamunuan ng NAIA Terminal 3 na wala umanong pananagutan ang MIAA sa pagkakasunog ng 19 na sasakyan sa may parking lot extension ng NAIA terminal 3 kahapon.

Ayon sa MIAA, ang naturang parking lot ay inuupahan ng isang concessionaire.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with