^

Metro

22K nakiisa sa ‘Walk for Autism’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 22,000 katao ang dumagsa at lumahok sa “Walk for Autism” na inilunsad ng Autism Society Philippines (ASP) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, nitong Linggo ng umaga.

Nagmula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang mga chapter ng ASP na nakiisa sa aktibidad na layuning isulong ang mga isyung may kaugnayan sa autism, sa temang “autism-inclusive economic opportunities”.

Sinabi ni ASP spokesperson Mona Magno Veluz, ang mga taong may autism ay tumatanda rin na kailangan tulungan sa kanilang pagtanda lalo na sa pagkakaroon ng kabuhayan.

Bukod sa mga chapter ng ASP, lumahok din sa event sina Miss Universe 2023 Michelle Dee, kanyang ina na si Melanie Marquez, at aktres na si Rhian Ramos.

Nagsisilbing goodwill ambassador si Dee ng ASP.

MONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with