^

Metro

Sunog sumiklab sa Maynila: 5 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa Maynila: 5 sugatan
lang kabahayan ang natupok nang sumiklab ang su- nog sa residential area ng Gate 52, Parola Compound sa Binondo, Manila na ikinasugat ng lima kabilang ang dalawang bumbero kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Limang katao ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa San Nicolas, Maynila kahapon.

Dalawa sa mga nasugatan ay mga bumbero na nakilalang sina FO2 Ralph Albert Cabuag, 24, na nagtamo ng 2nd degree burn sa dalawang kamay at FO1 Kyll Medrano, 25, na nagtamo ng 2nd degree burn sa kanang hinlalaki.

Sugatan din naman sina Jasper Lucas, 31, na nagtamo ng 2nd degree burn sa kanang kamay; Raiza Con­treraz, 17, na nagtamo ng la­ceration sa kaliwang kilay at Marlon Dela Cruz, 21, na nagtamo ng sugat sa kaliwang palad.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP),  dakong alas-11:33 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Parola Area-C sa San Nicolas.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-12:55 ng tanghali. Tuluyan naman itong naapula dakong ala-1:13 ng hapon.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid kung ilang pamilya ang naapektuhan sa sunog at halaga ng mga ari-ariang tinupok, gayundin ang pinagmulan nito.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with