^

Metro

Ex-partner ni Pokwang, tuluyan nang dineport

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Ex-partner ni Pokwang, tuluyan nang dineport
Pokwang at Lee O’Brian

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinabalik sa kanyang bansa ang dating partner ni Pokwang na si Lee O’Brian, isang American national matapos ang matagumpay na deportation proceedings laban dito.

Matatandaang noong nakaraang taon, nagsampa ng deportation case ang komedyanteng na si Marietta Subong, mas kilala bilang ‘Pokwang,’ laban sa da-      ting partner nito dahil sa pagtatrabaho nang walang kaukulang permit.

Sa kanyang reklamo, iginiit ni Pokwang na si O’Brian ay nag-render ng trabaho sa iba’t ibang kompanya ng produksyon nang hindi kumukuha ng kinakailangang Department of Labor and Employment at BI permit.

Nakakita ng merito ang BI sa nasabing reklamo at inutusang i-deport si O’Brian noong Disyembre dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanyang pananatili.

Naghain naman si O’Brian ng motion for reconsideration, na kalaunan ay tinanggihan.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na si O’Brian ay na-deport ng gabi ng Abril 8 sakay ng flight ng Philippine Airlines papuntang San Francisco, USA matapos kumpirmahin ng BI na wala siyang nakabinbing lokal na kaso sa Pilipinas.

Bilang resulta ng kanyang deportasyon, ang kanyang pangalan ay kasama sa blacklist ng BI, na humahadlang sa anumang mga pagtatangka sa hinaharap na muling makapasok sa bansa.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with