Kaanak ni Sec. Abalos, inaresto sa colorum ops
MANILA, Philippines — Inaresto ang isang kaanak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa ikinasang colorum operation kahapon.
Ang suspek na lumutang na si alyas Jaz Abalos ay nahuli sa isinagawang entrapment operation ng composite team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), DILG, at Department of Transportation (DOTr), matapos unang maaresto sa driver ng van na si Antonio Mirasol, na nagprisinta ng pekeng driver’s license.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na ang pag-aresto ay bahagi ng pinaigting na pagsisikap na alisin ang mga kolorum na sasakyan sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Special Operations Group-Strike Force Officer-in-Charge Gabriel Go, nagsagawa ng mas pinaigting na operasyon ang composite team laban sa mga colorum na sasakyan sa kahabaan ng Araneta Avenue sa Cubao, Quezon City, kung saan naaresto ang driver ng pampasaherong van na may expired na rehistro ng sasakyan.
Nasa P200 ang ibinayad ng mga pasahero para sa paghatid sa kanila sa Laguna.
Sinabi ni MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas na nagtungo lumutang ang nagpakilalang Jaz Abalos sa MMDA Head Office para makipag-negosasyon hinggil sa colorum violation at tahasang sinasabing siya ay pamangkin ni Secretary Abalos.
“Upon verification, it turned out that the woman is a relative of the DILG chief. She was recognized by one of the members of Abalos family through her photo and name,” ani Vargas.
Agad na ipinaalam ni Vargas kay Secretary Abalos, na agad ring sinabi na arestuhin kahit kanaak niya kung may paglabag.
Nahaharap sila sa reklamong falsification of public documents with conspiracy, estafa, resistance and disobedience, at light threat.
- Latest