^

Metro

3 pang foreign sex offenders, pinigil makapasok sa bansa

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong foreign sex offenders na pinagbawalan na makapasok sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagiging undesirable alien.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na naharang ang tatlong pasahero sa NAIA terminal 1 nang dumating sila at humingi ng admission bilang mga turista sa bansa.

Si Jeffrey William Jewitt, 42, ay hindi pinasok sa kanyang pagdating sakay ng ­Korean Airlines flight mula Incheon, South Korea, dahil sa impormasyon nahatulan ng mga pagkakasala sa sex noong 2012 ng isang korte sa Illinois. Ito ay hinatulan sa dalawang bilang ng pagdukot sa bata at sekswal na pang-akit sa isang 16-anyos na babae at isang bilang ng seks­wal na pagsasamantala sa isang 12-taong-gulang na bata.

Noong Abril 7, ang Amerikanong si Charles David James Weatherall, 32, ay hindi pinapasok sa bansa pagkatapos niyang dumating sakay ng eroplanong Air China flight mula sa Beijing.

Sinabi ng BI-Border Control Intelligence Unit(BCIU), na si Weatherall ay nahatulan ng child pornography dahil sa pagkakaroon ng malaswang larawan ng mga bata sa United Kingdom.

Noong Abril 8, isa pang Amerikano na nagngangalang Momodu Wurie Jalloh, 28, ang pinabalik agad sa port of origin nito matapos dumating sakay ng flight ng Saudia Airlines mula Jeddah, Saudi Arabia.

Sinabi ng unit ng BI-Interpol na si Momodu ay nahatulan sa Virginia para sa pinalubhang sekswal na pag-atake dahil sa kawalan ng kakayahan nang biktimang 21 taong gulang na babae.

Sinabi ni Tansingco na bilang resulta ng kanilang pagbubukod, ang tatlong dayuhan ay inilagay sa talaan ng Immigration blacklist sila.

Sa ilalim ng immigration act, ang mga dayuhan na nahatulan ng mga krimen na may kinalaman sa moral turpitude ay awtomatikong pinagbabawalan na makapasok sa bansa.

 

 

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with