^

Metro

Lola patay sa bundol ng e-bike

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lola patay sa bundol ng e-bike
Nakilala ang nasawi na si Luzviminda Bisarez bunga umano ng brain injury na tinamo nito sa kaniyang pagbagsak sa kalsada.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 73-anyos na lola matapos mabundol ng e-bike habang tumatawid ng kalsada sa Malanday, Marikina City.

Nakilala ang nasawi na si  Luzviminda Bisarez bunga umano ng brain injury na tinamo nito sa kaniyang pagbagsak sa kalsada.

Naaresto naman ang suspek na 31-anyos na driver ng e-bike nang makilala dahil sa kuha ng CCTV.

Nakita sa kuha ng CCTV sa lugar ang pangyayari kung saan tumatawid ang lola nang mabangga kung saan tumilapon pa ito.

Dinala umano ng suspek ang lola sa may eskinita na malapit sa bahay nito at doon na umano iniwan kung saan ang mga residente na sa lugar ang nagsugod sa biktima sa pagamutan kung saan may ­ilang oras pa nag­hingalo bago tuluyang bumigay.

Batay sa imbestigasyon ng Traffic Investigation Unit ng Marikina Police Station, hindi napansin ng rider ang biktima.

Sinampahan na ng reklamong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang driver ng e-bike.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with