^

Metro

Lady tattoo artist, pinigil sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group(PNP-ASG) at NAIA PDEA-IADITG ang isang babaeng tattoo artist sa final security check point sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 matapos makuhanan ng illegal na droga, kahapon ng umaga..

Sa report ng NAIA PDEA-IADITG papaalis ang dalawang pasahero galing Baguio City patungong Kota Kinabalu sakay ng AirAsia flight nang makita sa x-ray machine sa final security check ang isang swiss knife at gunting kasama ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nabatid na lalaban sana sa competition ang babaeng tattoo artist na isang alyas Jasmin, 26 ,sa Malaysia subalit naharang ito sa airport matapos makuha sa kanya ang tinatayang 3.8 grams na marijuana na may standard drug price na P456.00.

Mahaharap ang pasahero sa kasong paglabag sa Section 26 in relation to Sec 5 Art. II ng RA 9165.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with