^

Metro

29 na patay sa pagkalunod sa Holy Week – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
29 na patay sa pagkalunod sa Holy Week � PNP
Batay sa report ng PNP, hanggang kahapon ng umaga may kabuuang 34 na insidente ng pagkalunod sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan ang pinakamaraming nasawi ay sa Calabarzon o PRO 4-A na mayroong 10 nasawi, sinundan ito ng Ilocos at Cagayan na mayroong naitalang tig-6 na nasawi sa pagkalunod, habang ang Bicol Region naman ay mayroong 5 namatay sa pagkalunod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 29 katao ang nasawi sa pagkalunod nitong Semana Santa, ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) chief P/Col. Jean Fajardo kahapon.

Batay sa report ng PNP, hanggang kahapon ng umaga may kabuuang 34 na insidente ng pagkalunod sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan ang pinakamaraming nasawi ay sa Calabarzon o PRO 4-A na mayroong 10 nasawi, sinundan ito ng Ilocos at Cagayan na mayroong naitalang tig-6 na nasawi sa pagkalunod, habang ang Bicol Region naman ay mayroong 5 namatay sa pagkalunod.

Tatlo pa ang patuloy na pinaghahanap na mula sa Rosales, Pangasinan; Jones, ­Isabela at Tumauni, ­Isabela habang tatlong iba pa ang sugatan pero nasagip sa pagkalunod.

Ang bilang ng mga nalunod ngayong taon ay mas mababa kung ikukumpara ng Semana Santa ng nakaraang taon kung saan 63 ang naitalang drowning incidents sa buong bansa.

“Ang isa sa naging consideration natin ng deployment ngayon dahil in recent years, ‘yung last year ay me­ron tayong naitala na 63 drowning incidents kaya ‘yan ‘yun na­ging consi­deration kaya ‘yung mga pulis natin dineploy natin sa mga recreational parks, resorts, beaches ay mga trained ito sa search and rescue,” pahayag ni Fajardo.

Dagdag pa ni  Fajardo na  may dalawang  insidente ng  pagkalunod subalit naagapan ng mga pulis.

Bukod dito ay nakapagtala rin ang PNP ng 10 vehicular incidents, 1 kaso ng theft, 4 na acts of lasciviousness, 4 na robbery, 1 sunog at 1 kaso ng frustrated homicide nito lang Semana Santa.

Hanggang ngayong Lunes, heightened alert pa din ang PNP dahil sa inaasahan na pag­dagsa ng mga tao na magbabalikan mula sa pagbabakasyon sa kani-kanilang probinsya kaya bantay sarado pa rin ang mga pantalan, bus ports, terminals at airport.

vuukle comment

PIO

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with