^

Metro

Karapatan ng mga pasahero ng barko, ipinaalala ng DOTr

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Karapatan ng mga pasahero ng barko, ipinaalala ng DOTr
Alinsunod ito sa Maritime Industry Authority (MARINA) Circular 2018-07, sa pamamagitan ng information dissemination drive sa lahat ng mga pantalan at pampasaherong barko sa bansa.
Philippine Ports Authority/Facebook page

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024, pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) Maritime Sector ang mga pasahero ng barko ng kanilang karapatan at kompensasyon sakaling makansela, maantala o hindi kumpleto ang pagbiyahe.

Alinsunod ito sa Maritime Industry Authority (MARINA) Circular 2018-07, sa pamamagitan ng information dissemination drive sa lahat ng mga pantalan at pampasaherong barko sa bansa.

Sa kaso ng “canceled or delayed voyage”, may karapatan na malaman at mai-refund o mai-revalidate ang tiket ng mga pasahero.

Kung pipiliin ng pasahero na mairevalidate ang kanilang tiket, may karapatan silang makagamit ng amenities o free accommodation at pagkain, kung kinakailangan habang naghihintay ng rescheduled trip.

Nilinaw din ng DOTr Maritime Sector na ang karapatan sa kompensasyon ng mga pasahero sa dagat para sa isang nakansela o naantala na paglalayag ay aplicabble lamang kung ang libreng tirahan ay hindi praktikal para sa shipping operator.

Samantala, ang mga pasahero na hindi pa nakumpleto ang paglalakbay ay may karapatan sa impormasyon, karapatan sa amenities, karapatan sa kabayaran, gayundin ang karapatang maihatid sa kanilang destinasyon.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with