^

Metro

Bullet proof truck ni Catapang, binaril sa Skyway

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bullet proof truck ni Catapang, binaril sa Skyway
Sa inilabas na pahayag ng BuCor Public Information Office, ang pick-up na Toyota Hilux na may plate number WDQ-811 na pag-aari ni Catapang ay may tama ng bala sa likod ng rear windshield, na ikinabasag ng salamin  nito.
STAR/File

Tangkang ambush sa BuCor official

MANILA, Philippines — Pinaputukan ng ba­ril ang bullet proof na pickup truck ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr.  na ipinagagamit niya sa kaniyang deputy director, habang bumabagtas sa Skyway sa bahagi ng Quezon City, Martes ng umaga.

Sa inilabas na pahayag ng BuCor Public Information Office, ang pick-up na Toyota Hilux na may plate number WDQ-811 na pag-aari ni Catapang ay may tama ng bala sa likod ng rear windshield, na ikinabasag ng salamin  nito.

Sa ulat, masu­werteng susunduin pa lang ng nasabing sasakyan si Deputy Director General for Administration Atty. Al Perreras, nang mangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga.

Sakay ng pickup truck ang security escort na si Correction Officer 1 Cornelio Colalong habang sa likod naman ng driver seat nakasakay ang kapwa security escort na si CO1 Leonardo Cabaniero.

Nabatid na biglang nag-overtake ang kulay gray na Toyota Vios sa Toyota Innova na back-up car na minamaneho ni CSO2 Edwin Berroya at kapwa security escort na si CO2 Michael Magsanoc, nang biglang pinaputukan ang Hilux.

Lumalabas na puntirya ang passenger front side kung saan karaniwang nakaupo si Perreras, batay sa direksyon ng bala na hindi naman tuluyang nakapasok ang tingga.

Mabilis umanong tumakas ang ‘di kilalang gunman sa direksyon ng Nagtahan exit ng Skyway.

Nakikipag-ugnayan na ang BuCor sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa insidente lalo’t posibleng planado ang tangkang pananambang.

Sinabi ni Catapang na kapwa sila ni Perreras nakatatanggap ng death threats simula nang magpatupad sila ng iba’t ibang reporma sa ahensya. Aniya, hindi magiging hadlang ang naganap na insidente sa pagpapatuloy ng mga repormang nasimulan sa BuCor.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with