^

Metro

Biktima ng mail-order bride, napigil ng Bureu of Immigration

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa pang biktima ng mail-order bride scheme papuntang China ang naharang ng mga opisyal ng Bureu of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) Terminal 3.

Iniulat ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang pagharang sa isang 20-anyos na babaeng biktima na sinamahan ng isang 34-anyos na lalaking Chinese.

Ang mga pangalan ng biktima at ng suspek ay itinago bilang pagsunod sa mga batas laban sa trafficking.

Una nang nagpri­sinta ang biktima na papunta sa Shenzhen, China kasama ang kanyang umano’y asawa sakay ng Air Asia flight.

“Sinabi ng immigration officer na parehong kahina-hinala ang pagkilos ng biktima at suspek nang tanungin tungkol sa kanilang kasal,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Itinuro sila sa mga opisyal ng I-PROBES na nagsabing hindi nakasagot ang babaeng biktima ng mga pangunahing detalye tungkol sa kanilang kasal. Nagprisinta umano siya ng PSA certificate of marriage na nagsasabing ikinasal sila sa isang restaurant sa Pasig City.

Sa pag-inspeksyon ng forensic documents laboratory ng BI, nakumpirmang genuine ang dokumentong ipinakita.

“Gayunpaman, ang aming mga opisyal ay sapat na alerto upang maghinala sa kanilang mga pahayag,” sabi ni Tansingco.

Kalaunan ay inamin ng biktima na walang aktuwal na kasal ang nangyari, at ang marriage certificate ay pinoproseso ng kanyang Chinese escort sa pamamagitan ng isang ahente. Inamin nila na nagbayad sila ng P45,000 para sa pagproseso ng tunay na dokumento na may pekeng detalye.

Parehong itinurn-over ang biktima at ang escort sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karagdagang imbestigasyon sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

BUREU OF IMMIGRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with