Rider salpok sa trak, todas
MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang sumalpok sa nakaparadang truck ang kanyang minamanehong motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa lungsod Quezon.
Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Gerik Emadem, 31 at naninirahan sa Lot 17 Crescentwoods Pingkian 2, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Christopher Catayco, 38, may asawa at residente ng Mindanao Extension Santa Monica, Quezon City.
Batay sa pagsisiyasat ni PCpl. Christopher Leano naganap ang aksidente sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Viatriz St., Barangay Old Balara, Quezon City
Sakay ang biktima ng kanyang Yamaha Sporty at patungo sa Elliptical Road.
Hindi napansin ng biktima ang nakaparadang Rebuilt Fuso Wing Van Truck na may plakang CBS-6369 ng suspek at sumalpok sa likurang bahagi nito.
Tumilapon ang biktima at nagtamo ng mga sugat sa katawan na isinugod pa sa pagamutan pero di na rin umabot ang buhay.
- Latest

















