^

Metro

Lola, tinaga sa ulo ng tricycle driver

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Mangkukulam daw?

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang lola matapos na tagain sa ulo ng isang tricycle driver sa pag-aakalang isa umano itong mangkukulam sa San Miguel, Maynila, kamakalawa.

Ginagamot hanggang sa ngayon  sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Gloria Mahilac, 65, biyuda, at residente ng Rawatun St., Carlos Palanca, San Miguel dahil sa tinamong taga sa ulo.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Jabbar Mocaebat, 29, tricycle driver at residente ng Pimbago St., sa San Miguel.

Batay sa ulat ng Barbosa Police Station 14 (PS-14), nabatid na dakong alas-8:10 ng umaga kamakalawa nang maganap ang krimen sa Pimbago St., kanto ng Rawatun St., sa Carlos Palanca.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang suspek na binubuntutan ang biktima habang naglalakad sa eskinita sa Rawatun St. at patungo sana sa bahay ng kanyang anak.

Maya-maya ay bigla na lang umanong tinaga ng suspek ang biktima sa ulo.

Kahit sugatan, nagawa ng biktima na makahingi ng tulong sa kanyang anak, na siyang nagsugod sa kanya sa ospital.

Kaagad ring nagtu­ngo si Joan sa Barangay 648, na nakakasakop sa lugar, at isinumbong ang pangyayari.

Mabilis namang umaksiyon ang mga barangay officials at inaresto ang suspek.

Ayon kay MPD Public Information Office (PIO) chief, PMAJ Philipp Ines, sa interogasyon ng mga imbestigador, sinabi umano ng suspek na ‘mang­kukulam’ ang biktima kaya’t tinaga niya ito.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong frustrated murder sa piskalya.

vuukle comment

MAYNILA

SAN MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with