^

Metro

PNP sa publiko: Kalma lang vs bomb threats

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP sa publiko: Kalma lang vs bomb threats
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Acorda, bagamat hindi maiiwasan ang bomb threats, mas makabubuti kung mananatiling mahinahon at kalmado ang bawat isa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. ang publiko na manatiling kalmado kung nakakatanggap  bomb threats.

Sa press briefing sa Camp  Crame, sinabi ni Acorda, bagamat  hindi maiiwasan ang bomb threats, mas makabubuti kung mananatiling mahinahon at kalmado ang bawat isa.

Aniya, malaki ang epekto ng mga bomb threats lalo kung maipakakalat sa cellphone at  social media  na humahantong sa kanselasyon ng klase sa paaralan at trabaho sa mga opisina.

“While bomb threats are a part of our job and are included in our program of activities, the bigger concern is the effect on our targets, especially those in schools. Sometimes, government agency operations and school activities are disrupted,” ani Acorda.

Hindi aniya dapat natataranta o nagpapanik dahil mas nakakadagdag lamang ito sa tensiyon ng  mga responding teams.

Mas dapat na sundin ang protocols para na rin sa kaligtasan ng lugar ng bawat indibiduwal.

Giit pa ni Acorda hindi lamang Pilipinas ang nagkaka-bomb threats  kaya makabubuting kung mahinahong idudulog sa pulisya  upang agad na marespondehan.

BENJAMIN ACORDA

JR

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with