^

Metro

14-anyos patay sa Russian roulette

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
14-anyos patay sa Russian roulette
Nakilala ang nasawi na si Alexis Michael Santos, 14-anyos, nakatira sa Brgy. 96, Tondo. Nadakip naman ang kaniyang pinsan na si Edu Crisostomo, 22, ng Romana Street, ng parehong barangay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang binatailyo makaraang aksidenteng tamaan ng bala mula sa baril na pinaglaruan ng kaniyang pinsan sa loob ng isang bahay sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Alexis Michael Santos, 14-anyos, nakatira sa Brgy. 96, Tondo.  Nadakip naman ang kaniyang pinsan na si Edu Crisostomo, 22,   ng  Romana Street, ng parehong barangay.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:30 kamaka­lawa ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ni Crisostomo.

Sa panayam sa mga kaanak ng suspek at biktima,  pinaglalaruan umano ng dalawa ang isang kalibre .38 na rev. nang bigla itong pumutok at tinamaan ng bala sa ulo si Santos.

Agad na isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima ngunit hindi na rin ito naisalba pa.

Narekober naman ng mga pulis ang baril sa loob ng bahay, habang isinuko ng kaniyang ate si Crisostomo sa pulisya para panagutan ang pangyayari.

Nakaditine nga­yon sa MPD-Station 1 Custodial Jail ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso sa Prosecutor’s Office ng Maynila.

vuukle comment

NADAKIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with