^

Metro

Lady drug suspect, timbog sa Pasig

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lady drug suspect, timbog sa Pasig
Ang suspek ay kinilala lang sa pangalang Eve, 44, vendor, at residente ng Brgy. Palatiw, Pasig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang lady drug suspect ang naaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilala lang sa pangalang Eve, 44, vendor, at residente ng Brgy. Palatiw, Pasig City.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, nabatid na ang suspek ay inaresto dakong alas-9:30 ng gabi, sa isang buy-bust operation sa San Agustin St., Brgy. Palatiw.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang pulisya hinggil sa illegal na aktibidad ng suspek kaya’t kaagad itong tinarget sa isang buy-bust operation.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang tatlong pakete na naglalaman ng nasa anim na gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang aabot sa P40,800 ang halaga.

Ang suspek ay nakapiit na at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SUSPEK

VENDOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with