^

Metro

Live-in partner ng babaeng ginilitan sumuko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumuko at umamin sa pulisya ang live-in partner  ng 32-anyos na babaeng ginilitan sa loob ng isang apartelle  sa Caloocan.

Kinilala ang sumukong suspek na si Jayson Obuga, 34, kinakasama ng biktimang si Sarah Jane Fajardo, 32, na nagdiwang ng kaarawan sa mismong araw na naganap ang pagpaslang.

Nabatid na may apat na anak ang dalawa.

Sinabi ni Obuga na nagkita sila nitong Miyerkules para pag-usapan ang mga problema ng kanilang pamilya.

Inamin din nito na dala niya ang kitchen knife at gun replica para takutin si Fajardo.

Umabot sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap hanggang sa nag-agawan sila sa kutsilyo at napatay niya si Fajardo.

Si Obuga rin ang nagtago ng dalawang cellphone sa toilet tank.

Kasong murder ang isasampa laban kay  Obuga.

“Humihingi ako ng tawad sa kanila, tsaka hindi naman talaga sinasadya rin ‘yun, hindi ko naman talaga intensyon na aabot sa ganu’n,” ani Obuga.

JAYSON

OBUGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with