^

Metro

2 paslit nag-away: 1 patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 paslit nag-away: 1 patay!
Stock image of a hand.
Image by soumen82hazra from Pixabay

MANILA, Philippines —  Isang Grade 6-student ang nasawi nang bumagsak sa semento at nabagok ang ulo habang nakikipag-away sa 9-anyos na batang lalaki kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si John Mayven Allado Reloj, 11-anyos at residente ng No. 86-E Doña Juana St., Brgy. Kristong Hari, Quezon City bunsod ng pinsalang timano sa ulo.

Nasa pangangalaga naman ng Brgy. Kristong Hari ang 9-anyos na nakaaway ng biktima.

Batay sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-6:55 ng gabi nitong Sabado nang mangyari ang aksidente sa RSA court sa E. Doña Juana St., malapit sa kanto ng Broadway St., Brgy.  Kristong Hari.

Sa imbestigasyon ni  PStaff Sgt. Rhic Roldan Pittong ng CIDU, nag-aaway umano sina Reloj at 9-anyos na batang lalaki na humantong sa hatakan ng kamay. Dito nawalan ng balanse si Reloj at bumagsak ang ulo sa semento.

Nagawa pang makauwi ng biktima hanggang sa makaramdam ng matin­ding pananakit ng ulo at pagsusuka kaya agad na siyang isinugod ng kanyang lolang si Ethel Allado at mga opisyal ng barangay sa National Children’s Hospital at saka inilipat sa EAMC kung saan siyan tulu­yang nalagutan ng hi­ninga.

Itiurn-over naman ang 9-anyos na totoy na nakaaway ng biktima sa Brgy. Kristong Hari para sa intervention program.

vuukle comment

EAMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with