Babae, niratrat sa loob ng bahay, patay
MANILA, Philippines — Tinutugis ng mga tauhan ng Quezon City police ang isang 45-anyos na lalaki na bumaril at nakapatay sa isang babae sa nabanggit na lungsod kahapon.
Kinilala ang suspect na si Jessie Leonor Dejano na sinasabing bumaril at nakapatay sa 44-anyos na si Bernadett Dela Cruz sa loob ng isang barung-barong sa Brgy. West Triangle, dakong alas-4 ng madaling araw.
Nabatid na pinasok ng suspect ang bahay ni Dejano at saka ito binaril sa ulo na nasaksihan ng live-in partner at siyang nag-report sa pulisya.
Blangko pa ang pulisya sa posibleng motibo sa krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
- Latest