^

Metro

Tangkang pagpatay kay Governor Oaminal, may ‘persons of interest’ na - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Tangkang pagpatay kay Governor Oaminal, may �persons of interest� na - PNP
Gayunman, ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, hindi pa nila maaaring ibunyag ang nasa likod ng pananambang upang hin­di “masunog” ang operasyon laban sa mga ito.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang galaw ng ilang indibidwal na sinasabing “persons of interest” sa tangkang asasinasyon kay Mi­samis Occidental Gov. Henry Oaminal.

Gayunman, ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, hindi pa nila maaaring ibunyag ang nasa likod ng pananambang upang hin­di “masunog” ang operasyon laban sa mga ito.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, sinasabing isang sasakyan ang namataan sa Brgy. Lapasan sa bayan ng Clarin ilang minuto bago maganap ang pagsabog ng improvised explosive device (IED) nang dumaan ang convoy ni Oaminal noong Oktubre 15.

Papauwi na si Oaminal sa Ozamiz City nang ma­ganap ang pagsabog. Ligtas naman ang gobernador at kanyang mga security escorts.

Bunsod nito, pinaigting ng PNP ang seguridad sa lugar gayundin ang mga checkpoints.

Inutos na rin ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa mga chief of police sa Misamis Oriental ang pa­ki­kipag-ugnayan sa mga local government units kaugnay ng mga posibleng pananakot at harassment sa mga local executives.

Hindi naman inaalis ng pulisya na posibleng “po­­litically motivated” ang tangkang pagpatay kay Oaminal.

vuukle comment

JEAN FAJARDO

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with