^

Metro

Biyahe ng PNR, naantala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Riles nabaliko

MANILA, Philippines — Pansamantalang naantala ang biyahe nang mga tren ng Philippine National Railways (PNR) kahapon, bunsod ng nabalikong bahagi ng riles nito.

Sa isang abiso, nabatid na ang naantala ay ang mga biyahe mula Tutuban papuntang Alabang  at vice versa.

Anang PNR, mabilis namang naglatag ang mga kawani ng PNR sa parte ng Don Bosco Crossing, pagitan ng mga istasyon ng EDSA at Pasay, upang magsagawa ng emergency repair dulot ng pagkakaroon ng maliit na baliko sa isang parte ng riles.

Ang pagkakabaliko umano ay maa­ring dulot anila ng underframe ng isang low-bed trailer truck na tumatawid sa naturang ‘crossing’.

Dakong alas-11:50 ng tanghali nang maideklarang ligtas nang madaraanan ang naturang linya.

Kaagad din namang humingi ang PNR ng karagdagang pang-unawa sa mga naidulot na pagkakaantala ng ilang mga biyahe.

vuukle comment

DON BOSCO

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with