^

Metro

Valenzuela Epidemiology Unit, 8-oras na lang ang ops

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa pagbaba ng COVID-19 cases

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, Oktubre 2, lilimitahan na ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (VCESU) sa walong oras  ang kanilang operasyon.

Base sa abiso ng Valenzuela local government unit (LGU), magbibigay na lamang sila ng serbisyo sa publiko mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.

Ito ay mula sa dating 24 na oras na operasyon sa loob ng isang linggo o 24/7 na ipinatutupad ng LGU sa panahong dagsa ang kaso ng COVID-19.

Binago ang shifting dahil sa patuloy nang pagbaba ng COVID-19 cases sa lungsod.

Batay sa huling ulat ng VCESU, nasa 23 na lang ang bilang ng COVID-19 active cases mula sa 43,935 confirmed cases sa lungsod ng Valenzuela.

CESU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with