^

Metro

2 ‘tulak’ sa Navotas, huli sa buy-bust

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 ‘tulak’ sa Navotas, huli sa buy-bust
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang hinihinalang  tulak ng droga matapos ang isinagawang  buy-bust  operation ng awtoridad na nagresulta sa pagkakasabat ng  P130,000 na halaga ng  shabu,  kamakalawa sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief PCol. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina Eligio Delos Reyes alyas Gio, 23 ng Judge Roldan St., Brgy. San Roque at John Albert De Guzman alyas Abet, 22 ng Sampaguita St., Brgy. Tanza.

Sa report na isinumite ni Cortes kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt. Genere Sanchez hinggil sa operasyon ng bentahan ng illegal na droga ni Delos Reyes.

Agad na bumuo ng  team si Sanchez at bineripika ang  impormasyon hanggang sa magpositibo.

Dito na ikinasa ng mga  operatiba ng SDEU dakong alas-3:42 ng madaling araw  ang buy-bust operation sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Delos Reyes ng P2,500 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ni Delos Reyes ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ng kanyang kasabwat na si De Guzman.

Nasamsam sa mga suspek ang humigit kumulang sa 20.28 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P137,904 at buy-bust money na P500 bill, kasama ang apat na pirasong P500 boodle money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. 

TULAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with