^

Metro

LRT-1 operations, limitado hanggang

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Linggo Limitado muna ang ope­rasyon ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa loob ng tatlong araw,  simula nitong Biyernes hanggang sa Linggo, Agosto 27, bunsod na rin ng dinaranas na mechanical at track issues.

Sa anunsiyo kahapon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1,  nabatid na ang southbound trains nila ay bibiyahe lamang muna mula Fernando Poe Jr. Station (dating Roosevelt Station hanggang Vito Cruz Station bilang end terminal.

Samantala, ang northbound trains naman ay bibiyahe mula Gil Puyat Station (Buendia) hanggang sa Fernando Poe Jr. Station.

Nabatid na nag-ugat ang limitadong operasyon matapos na dumanas ng mechanical problem ang isang Gen-2 train set ng LRT-1 dakong alas-12:32 ng tanghali nitong Huwebes.

Anang LRMC, kaagad silang nagsagawa ng masu­sing assessment at initial corrective works upang tugunan ang mechanical problem.

Gayunman, nadiskubre nilang nangangailangan ito ng karagdagang track works sa loob ng tatlong araw upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Pinayuhan na rin ng LRMC ang mga train commuters na ayusin ang ka­nilang iskedyul at tiniyak na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang kaagad na maresolba ang isyu, sa lalong madaling panahon.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa FPJ Station hanggang sa Baclaran Station, sa Parañaque City at pabalik.

LRT 1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with