^

Metro

Taas-presyo sa petrolyo, ratsada ngayon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Taas-presyo sa petrolyo, ratsada ngayon
Sa ganap na alas-12:01 ng madaling araw, magpapatupad ang Chevron Philippines ng pagtaas sa mga produktong gasolina nito ng P1.35 kada litro, diesel ng P0.45 kada litro at kerosene ng P0.35 kada litro,  habang dalawang iba pang malalaking kompanya ng langis, Petron Corporation at Pilipinas Shell ang magdadala ng parehong pagtaas ng presyo simula alas-6:00 ng umaga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inanunsyo nitong Lunes ng mga lokal na kumpanya ng langis ang kanilang ikalawang sunod na linggo na pagtaas sa presyo ng petrolyo na ipatutupad ngayong Martes.

Sa ganap na alas-12:01 ng madaling araw, magpapatupad ang Chevron Philippines ng pagtaas sa mga produktong gasolina nito ng P1.35 kada litro, diesel ng P0.45 kada litro at kerosene ng P0.35 kada litro,  habang dalawang iba pang malalaking kompanya ng langis, Petron Corporation at Pilipinas Shell ang magdadala ng parehong pagtaas ng presyo simula alas-6:00 ng umaga.

Inihayag ng mga independent oil firm na PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Unioil Philippines, Total Philippines at Eastern Petroleum na hindi nagbebenta ng kerosene na magpapatupad din sila ng dagdag na P1.35 kada litro sa gasolina at P0.45 sa  kada litro ng  diesel pagsapit ng alas-6:00 ng umaga.

May pagkakataon naman ang mga motorista na makahabol sa mas mababang presyo dahil ang Clean Fuel ay pagpatak pa ng alas-4:01 ng hapon ng Martes.

Sinabi ng Opisyal ng Komunikasyon ng PTT na si Jay Julian na ang ikalawang round ng pagtaas ng presyo ng domestic pump ngayong linggo ay sumasalamin sa paggalaw sa pandaigdigang merkado ng langis.

CHEVRON

OIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with