^

Metro

Lolong obrero timbog sa P367K shabu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kulungan bumagsak ang isang 63-taong gulang na construction worker at isa niyang kasabwat makaraang matimbog sila ng mga tauhan ng Makati City Police sa isang buy-bust operation nitong Sabado ng gabi. Itinago ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspek na si alyas “Lolo Tarik”, at si alyas “Ato”, 22-taong gulang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng hatinggabi nang magkasa ng operasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at West Rembo Substation sa may Brgy. Cembo, target ang isang drug pusher na isinuplong sa kanila na lantaran ang pagtitinda ng iligal na droga.

Kumagat sa pain ng mga pulis ang mga suspek nang pagbilhan nila ang isang poseur buyer ng shabu sa halagang P500.  Dito na sila pinaligiran ng mga pulis at pinosasan. Nakumpiska sa dalawang suspek ang nasa 54 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P367,000 na nakalagay sa isang “knot-tied plastic” at pitong plastic sachets.

Nakaditine ang mga suspek sa Makati City Police Station Custodial Jail at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerours Drugs Act of 2002.

vuukle comment

MAKATI CITY POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with