^

Metro

Sunog sumiklab sa Maynila, fire volunteer nalaglag sa gusali

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Sumiklab ang sunog sa isang commercial building sa Ermita, Maynila at isang fire volunteer ang nasaktan nang malaglag mula sa ikatlong palapag habang kasagsagan ng pag-apula sa malaking apoy kahapon ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang fire volunteer na si Jimmy Casimero, ng Leveriza Malate Fire Volunteers, na nagtamo ng pinsala sa katawan at pinayuhang magpagamot sa ospital upang masuri dulot ng kanyang pagkakabagsak.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-3:02 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa isang residential/commercial building sa may A. Mabini Street sa Ermita.

Umakyat ito sa ikalawang alarma hanggang sa tuluyang mapatay ang sunog dakong alas-4 na ng hapon.  Nabatid na naapektuhan din ng apoy ang tatlong palapag na gusali na dormitoryo ng mga seaman.

Tinangka umanong umakyat ni Casimero sa ikatlong palapag ng gusali gamit ang fire exit na hagdan ng gusali ngunit nadulas siya at bumagsak sa ikalawang palapag.  Agad naman siyang sinaklolohan ng mga kasamahan at binigyan ng paunang lunas.

Bukod sa nasabing fire volunteer, wala nang ibang naiulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy rin ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

vuukle comment

CASIMIRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with