^

Metro

Drug enforcement office sa Caloocan niratrat, grinanada

Pilipino Star Ngayon
Drug enforcement office sa Caloocan niratrat, grinanada
Ayon kay P/Major Dennis Odtuhan, Chief ng NPD-DDEU, nangyari ang insidente bandang ala-1:45  ng madaling araw.
STAR / File

MANILA, Philippines —  Pinaulanan ng bala at hinagisan pa ng granada ang  tanggapan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy. 14, Caloocan City, kahapon ng madaling araw

Ayon kay P/Major Dennis Odtuhan, Chief ng NPD-DDEU, nangyari ang insidente bandang ala-1:45  ng madaling araw.

Idinagdag pa nito na tumagos ang ilang shrapnel ng granada sa pintuan ng kanilang opisina at nasira rin ang hagdan papasok sa kanilang tanggapan.

Samantala, na­damay din ang ilang nakaparadang sasak­yan sa compound ng nasabing tanggapan at mabuti na lamang na walang nasugatan sa kanilang mga operatiba gayundin sa mga residente na naninirahan malapit sa nasabing himpilan.

Ayon sa pahayag ng ilang saksi, ang mga suspect ay lulan ng tatlong motorsiklo na huminto ilang hakbang malapit sa himpilan ng  DDEU-NPD saka walang habas na nagpaulan ng bala.

Hindi pa nakuntento ay hinagisan pa ito ng granada ng mga suspect bago mabilis na nagsitakas.

Sinabi ni Odtuhan na hindi lamang mga suspect na naaresto ng PDEG ang nasa detention cell dito kundi maging ang mga huli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special ­Operations Unit (SOU) ng NPD na nag-uopisina rin sa nasabing compound.

Nabatid pa na bagaman wala namang tinamaan ng ligaw na bala sa insidente ay binalot ng matinding tensiyon ang mga residenteng naninirahan malapit sa nasabing himpilan.

Kasalukuyan nang ­inaalam, kung may kinalaman sa droga ang motibo ng pamamaril habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa naganap na karahasan.

DDEU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with