^

Metro

Dating dumpsite sa Quezon City, ginawa nang ‘bike park’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dating dumpsite sa Quezon City, ginawa nang ‘bike park’
Quezon City Mayor Joy Belmonte and other individuals trying out the bike park located inside the Payatas Controlled Dumpsite Facility in this photo from the Facebook page of Quezon City on March 3, 2023.
QCGov/Facebook

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pagsusumikap na magkaroon ng mas maraming green and open spaces para sa kanilang mga residente, binuksan na ng Quezon City Government ang isang bagong bike park and trails sa Payatas Controlled Disposal Facility (PCDF).

Kasunod nang pagpapasara sa PCDF noong 2010, lumikha si QC Mayor Joy Belmonte ng isang Technical Working Group (TWG) noong 2020 na inatasan niyang maging in-charge para sa redevelopment ng dating dumpsite at gawin itong isang public open space para sa recreational at environmental awareness purposes.

Alinsunod ito sa 14-point agenda ni Mayor Belmonte na magtayo ng isang “liveable, green, at sustainable city.”

“Ang Payatas Controlled Disposal Facility Bike Park ay isang patunay sa buong mundo na kaya ng Quezon City na magtayo ng ligtas at luntiang mga komunidad. Ang dating bundok ng basura, maaliwalas na at maaaring gami­ting libangan at pasyalan,” ayon kay Mayor Belmonte.

Nabatid na ang PCDF Bike Park ay mayroong apat na designated routes na may mga aspaltong kalsada at off-road trails.

Binubuo ito ng 900-metrong “Beginner Route” na may tatlong detours, patungo sa “View Deck Route” na may scenic view ng pasyalan.

Ang dalawang iba pa ay ang “Beginner Trail,” at ang “Perimeter Trail” na mayroong trails para sa mountain biking, gravel routes, at mild steep ascents at descents.

Nabatid na sa kasalukuyan, ang lungsod ay nakapagtayo na ng 167 kilometro ng protected national at city bike lanes, gayundin ng 15 bike ramps na istratehikong matatagpuan sa mga overpasses at underpasses.

Samantala, hanggang noong Abril, 2023, ang lungsod ay mayroon ng mahigit sa 200 parke at open spaces.

Target pa ng lokal na pamahalaan na doblehin ang naturang bilang hanggang sa taong 2030.

Bukod naman sa bike park, ang PCDF ay mayroon ding bamboo park, dog park, open-air museum, plant nursery at iba pa.

Nagsasagawa na rin naman umano ang lungsod ng Geotechnical Investigation at Slope Stability Analysis sa PCDF, sa pangunguna ng QC Engineering Department at Woodfields Consultants Inc. upang matiyak ang kaligtasan ng lugar.

Lumitaw sa isang pag-aaral na sa ilalim ng normal na kondisyon, na walang matinding mga pag-ulan o anumang seismic activity, ang dating tambak ng mga basura at bahagi ng landfill ay maaaring gamitin para sa iba’t ibang aktibidad gaya ng biking, jogging, zumba, at iba pa, ngunit dapat na may istriktong limitasyon sa bilang ng mga bisita upang maiwasan ang overcrowding.

BIKE PARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with