^

Metro

Libreng sakay sa LRT-2, MRT-3 ngayong Labor Day

.Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Libreng sakay sa LRT-2, MRT-3 ngayong Labor Day
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, ang free rides sa LRT-2 at MRT-3 ay maaaring i-avail ng mga manggagawa mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00  hanggang alas-7:00 ng gabi.
www.mrt3.com

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga manggagawa dahil pagkakalooban sila ng libreng sakay sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong Lunes, Mayo 1, Araw ng Paggawa.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, ang free rides sa LRT-2 at MRT-3 ay maaaring i-avail ng mga manggagawa mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00  hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sinabi ni Aquino na upang mai-avail ang libreng sakay, kinakailangan lamang ng mga manggagawa na magprisinta ng company ID o government-issued ID.

“We welcome workers aged 18 years old and above to enjoy this special treat,” ani Aquino.

Sinabi ni Aquino na umaasa silang ang simpleng gesture na ito ay maghahatid ng kaligayahan sa araw ng mga manggagawa.

“We hope that this small gesture of ours will bring joy and ease to your day. We thank you for your continued efforts and contributions to our nation. Let us celebrate Labor Day with pride and gratitude for all workers in the Philippines,” dagdag ni Aquino.

Nabatid na ipinagkaloob ang free train rides sa mga nasabing rail lines kasunod na rin ng kahili­ngan ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista na bigyang pagkilala ang kontribusyon at achievements ng mga hardworking Filipino workers sa buong bansa.

LRT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with