^

Metro

10 pumuga sa Pasay, nahuli na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
10 pumuga sa Pasay, nahuli na
Sa ulat ng Pasay City Police, bumagsak sa kamay nila ang ika-10 takas na si Richard Dela Cruz, 27, nahaharap sa kasong iligal na droga. Nadakip siya ng mga pulis dakong alas-5:10 ng hapon sa loob ng Sgt. Mariano Cemetery sa Pasay City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naibalik nang lahat sa bilangguan ang 10 preso na tumakas sa Pasay City Police jail makaraang maaresto ang apat pang pugante pa sa magkahiwalay na lugar sa Pasay at sa Cavite kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Pasay City Police, bumagsak sa kamay nila ang ika-10 takas na si Richard Dela Cruz, 27, nahaharap sa kasong iligal na droga. Nadakip siya ng mga pulis dakong alas-5:10 ng hapon sa loob ng Sgt. Mariano Cemetery sa Pasay City.

Nauna dito dakong alas-6:45 ng umaga nang maaresto si Romeo Estopa sa may Mulawin Street, Brgy. 179 Maricaban, Pasay City, habang alas-7:15 ng umaga nang sumunod na mapasakamay ng pulisya si Carlo Magno Benvides, 37, sa operasyon sa Medicion 2E, Imus City, Cavite.

Naaresto naman si Norman Deyta, alyas ‘Pitpit’, 28, dakong alas-10 ng umaga kahapon sa may Apelo Cruz St., Brgy. 152, Pasay City. Narekober sa kaniya ang isang unit ng 9mm Beretta pistol at isang magazine na may walong bala.

Matatandaan na tumakas ang 10 preso ng Malibay Detention Facility nitong madaling araw ng Abril 3.  Ito ay nang pagtulungan nila ang isang jailguard at tangayin ang kaniyang armas, pera at susi ng bilangguan.

vuukle comment

PRESO

TUMAKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with