^

Metro

Market inspector, pinagbabaril sa palengke, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang market inspector nang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin habang nag-iinspeksiyon sa loob ng isang palengke sa Quezon City, kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Allie Saycon, 41, bunsod nang tinamong isang tama ng bala sa ulo.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa salarin na mabilis na nakatakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng Commonwealth Market, na matatagpuan sa Barangay Commonwealth.

Kasalukuyan umanong nag-iinspeksiyon sa loob ng palengke ang biktima nang bigla na lang barilin sa ulo ng salarin, na mabilis ding tumakas, bitbit ang ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa isang parking collector sa lugar, nakatayo siya sa kanyang puwesto nang may marinig na putok ng baril.

Nang alamin ang pinagmulan ng putok, nakita umano niyang duguan nang nakahandusay ang biktima.

Batay na kuha ng CCTV sa lugar, makikita naman ang salarin habang nilalapitan ang nakatalikod na biktima, at saka ito binaril, saka mabilis na tumakas.

Masusi nang iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na krimen at ­inaalam pa rin ang posibleng motibo dito.

INSPECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with