^

Metro

Poverty reduction program inilunsad ni Quezon City 2nd district Councilor Belmonte

Pilipino Star Ngayon
Poverty reduction program inilunsad ni Quezon City 2nd district Councilor Belmonte
Si QC 2nd District Councilor Mikey Belomonte kasama sina DHSUD secretary Jose Rizalino Acuzar at dating House Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte sa inilunsad na “Buhay at Bahay: Urban Poor and Human Settlement Service Caravan 2023”, na naglalayong matugunan ang adhikaing mabawasan ang kahirapan.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Bilang pagtugon sa adhikain ng pamahalaang nasyunal at maging ng Quezon City government na mabawasan ang kahirapan kung kaya inilunsad ni QC Second District Councilor Mikey Belmonte, ang kanyang flagship program na “Buhay at Bahay: Urban Poor and Human Settlement Service Caravan 2023”.

Sa kanyang pagsasalita sa ginanap na launching ng programa sa Commonwealth High School sa Brgy. Commonwealth kahapon, binanggit nito na bagama’t ang kahirapan ay itinuturing na komplikado, na nangangailangan naman ng mga pamamaraan na dapat masimulan para ito malabanan. Dito kailangan ang pakikipagkaisa ng national agencies at pribadong sektor.

“With a whole of nation approach in battling poverty, we have better and more sustainable chances of really making a difference in the lives of our QCitizens,” dagdag pa nito.

Naging tampok sa pag­lulunsad ng programa ang pagpirma sa Memorandum of Understanding sa pagitan ni Councilor Belmonte, matataas na opisyal ng iba’t ibang government agencies, private entities at representatives ng homeowners associations (HOAs) sa lungsod.

Sa ilalim ng MOU, ang tanggapan ni Councilor Mikey ang siyang magsasagawa ng overall coordination at implementasyon sa ‘Buhay at Bahay Caravan’, habang ang partner nitong mga ahensya at mga pribadong kompanya ang magkakaloob ng kaukulang interbensyon partikular sa sektor ng urban poor communities, katulad ng HOAs, students at teachers, senior citizens, informal settler families at persons with disabilities at iba pa.

Sinabi pa ng Konsehal na layon ng programa na pababain ang poverty rate sa lungsod na magiging tulay sa pagitan ng urban poor communities at ng mga mahahalagang ahensya ng gobyerno kasama rin ang pribadong sektor.

Kabilang sa government signatories sa MOU ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Housing Authority (NHA), National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Social Housing Finance Corporation (SHFC), Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, Cooperative Development Authority (CDA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Habang ang signatories naman sa pribadong sektor ay ang PLDT - SMART Foundation, Smart Communications, Inc., Manila Electric Company (MERALCO), One Meralco Foundation (OMF), Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad), Metro Pacific Health Tech Corporation (MPHTC), and Premier 101 Healthcare Management Inc. (Premier 101).

“On the part of the DHSUD, we will offer not just housing [units] but what we call decent ‘human settlements’,” ayon naman kay DHSUD secretary Jose Rizalino Acuzar.

Dumalo rin sa nasabing paglulunsad ng programa sina QC Vice Mayor Gian Sotto at dating House Speaker at QC mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte na todo suporta sa kanyang apo na si Councilor Belmonte.

URBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with