Face- to-face classes sa QC, balik na
Transport Strike tapos na
MANILA, Philippines — Naglabas na ng kanyang kautusan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na bumalik na sa face- to-face classes ang lahat ng mga public school sa lungsod.
Ang direktiba ay ginawa ni Belmonte matapos ihinto na ng grupong PISTON at Manibela ang natitira pang araw ng kanilang tigil-pasada.
Simula ngayong araw (Marso 9), balik na sa mga paaralan ang mga estudyante matapos ang tatlong araw na asynchronous classes.
Ipinauubaya naman ni Belmonte sa school management ng mga private school kung pababalikin na rin ang kanilang mga estudyante sa face-to-face classes.
- Latest