^

Metro

Sunog sa Pasay: Nanay, 2 anak patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Pasay: Nanay, 2 anak patay
Alas-9:53 ng umaga nang makontrol ng mga bumbero ang apoy at dakong alas-10:16 ng umaga nang magdeklara ng fire out.
File

MANILA, Philippines — Patay sa sunog ang tatlong mag-iina matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Malibay, Pasay City, Martes ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Mary Ann Maglinaw, 29, ina ng dalawang nasawing bata na sina Xzavion Rivas, 2 at Evzekhion Rivas, 5.

Sugatan naman sina Mark Christian Rafol, 5, na nagtamo ng paso sa kanang braso; Frederick Ignacio, 45, at Antonio Padilla, 56.Sa ulat ng Pasay City Fire Department, dakong alas-9:50 ng umaga nang sumiklab ang sunog  sa isang bahay na pag-aari ng isang Peterson Odon Rivas sa   Brgy. 117 Malibay, Pasay. 

Alas-9:53 ng umaga nang makontrol ng mga bumbero ang apoy at dakong alas-10:16 ng umaga nang magdeklara ng fire out.

Nang pasukin ng mga bumbero ang nasunog na bahay, tumambad ang tatlong sunog na katawan ng mag-iinang biktima.

Ayon sa Pasay City BFP, isang bahay ang natupok ng sunog at anim na pamilya ang apektado. Patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.

Agad namang nagtungo si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa pinangyarihan ng sunog.

Bukod sa pakikidalamhati at pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi, namigay din ang Pasay City Hall ng relief goods, folding bed, mat, towels, groceries, at hygene kits.

FIRE

TRAGEDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with