^

Metro

Koreano, patay sa pamamaril sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Koreano, patay sa pamamaril sa Maynila
Nakilala ang nasawi na si Lee Sung Hoon, 45-taong gulang, nakatira sa Unit 808 Sunset View Building, Roxas Boulevard, Pasay City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang Koreano ang nasawi makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa may Roxas Boulevard sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Lee Sung Hoon, 45-taong gulang, nakatira sa Unit 808 Sunset View Building, Roxas Boulevard, Pasay City.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, dakong alas-4:30 nang maganap ang krimen sa service Road ng Roxas Boulevard ng naturang siyudad.

Ayon sa security guard na si Jeffrey Tendero, naka-duty siya sa binabantayan na gusali nang makarinig ng putok ng baril dahilan para puntahan niya ang pinanggalingan nito. Dito niya naabutan na nakataob sa kalsada ang isang lalaki na duguan.
Agad na dinala ang biktima sa San Juan De Dios Hospital ngunit idineklara na siya na dead-on-arrival dahil sa tama ng bala sa likuran.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ng pulisya sa krimen kung saan inaalam kung may mga CCTV sa lugar na maaaring masuri sa pag-asang nahagip ng kamera ang pangyayari at makilala ang salarin.

KOREANO

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with