^

Metro

2 pekeng enforcer sa Maynila, huli sa ‘kotong’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 pekeng enforcer sa Maynila, huli sa �kotong�
Two men posing as traffic enforcers were arrested by the Special Mayor's Reaction Team (SMaRT) and the Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) special operation group in Pandacan, Manila on Friday (November 11, 2022).
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulungan ang dalawang dating tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang mahuli sila sa akto na nanghuhuli at nangongotong sa mga motorista kahapon ng madaling araw sa Pandacan, Maynila.

Nakilala ang mga naaresto na sina Rocky Macarian, 34, at Jeromie Millel, 43, ng Concha Street, Tondo. Nabatid na parehong dating miyembro ng MTPB ang dalawa na nasibak sa trabaho dahil sa mga kaso ng pangongotong.

Sa ulat ng Manila Police District- Special Mayors React Team (SMaRT), dakong alas-3 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang Special Operations Group ng MTPB sa may Quirino Avenue sa Pandacan bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa mga dati nilang tauhan na patuloy na nagpapanggap na traffic enforcers at nangongotong ng mga motorista.

Ayon kina Lvin Vicquerra at Reynald Dolleton, nahuli nila sa akto ang dalawang suspek na nakasuot ng MTPB uniform na namamara ng mga trak sa naturang lugar.  Nang kanilang lalapitan ang dalawa, bigla umanong lumayo sila at nagtanggal ng kanilang suot na uniporme.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa tuluyang masakote ang dalawa. Dito hindi makapagbigay ng MTPB ID ang dalawa at mission order kaya ipinatupad ang pagdakip sa kanila at isinuko sa MPD-SMaRT. Sasampahan ng kasong paglabag sa Usurpation of Authority of Official Functions at Illegal Used of Uniform and Insignia.

vuukle comment

MTPB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with