^

Metro

Motor vs ambulansiya: 2 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang rider at angkas nito nang makasalpukan ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang ambulansiya sa Brgy. Bagbag, Novaliches Quezon City, kamakalawa.

Nakilala ang mga sugatan na  sina Caleb De La Torre Cuaresma, 33, call center agent, driver ng Yamaha Mio at ang kaniyang angkas na si Adrian Baldos Lladoz,  27,  cook. Samantala, ang driver ng ambulansiyang ­inireklamo ay nakilalang si Patrick Forsuelo Borromeo, 21. Dakong alas-3:20 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Quirino Highway sa harapan ng Novaliches District Hospital, sa Brgy. San Bartolome, Quezon City.

Binabaybay umano ng mga biktima ang kahabaan ng Quirino Highway at pagsapit sa harapan ng  Novaliches District Center ay bigla silang nasalpok   ng Nissan Urvan na ambulansiya umano ng barangay Bagbag, na minamaneho ni Borromeo.

Dahil sa lakas nang pagkakasalpok, tumilapon ang dalawa  na  kapwa nagtamo ng mga pilay at sugat sa katawan, habang wasak naman ang kanilang sinasak­yang motorsiklo.

Sinasabing wala namang sakay na pasyente o pupuntahang pasyente ang nakabanggang ambulansiya at sadyang mabilis lang umano ang pagmamaneho ng driver nito.

Nahaharap ang ambulance driver sa kasong Reckless Imprudence resulting in Multiple Physical injury with damage to Property.

CALEB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with