3 drug traffickers arestado
MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang notoryus na drug traffickers ang nasakote ng mga pinagsanib na elemento ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila at Visayas nitong Biyernes.
Sa report ng PNP nitong Sabado, timbog sa Tisa, Cebu City ang 49- anyos na si Modesto Ocaba sa inilunsad na operasyon ng Special Operations Unit 7 ng PNP Drug Enforcement Group at PDEA Region 7. Nakumpiska sa operasyon ang P340,000 halaga ng ilegal na droga.
Samantalang sumunod namang nahuli ng drug-enforcement operatives ng Police Station 5 ng Bacolod City Police Office ang isa pang drug trafficker na si Ronnie Rey dela Cruz, 20, sa operasyon sa lungsod kung saan nasamsam mula dito ang 179 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,156,000. Gayunman nakatakas ang kasabwat ni dela Cruz na ngayon ay patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad.
Nitong Biyernes ay nasakote rin sa lungsod ng Makati ang drug suspect na si Kenneth Anthony Carreon sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police Station.
Nakumpiska mula rito ang 110 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P748,00.00.
“Tulung-tulong tayo sa payapang pamumuhay. We create a synergy among police units and other law enforcercement agencies to strengthen our anti-crime capability. We thank our personnel for working strong as one team,” pahayag naman ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr.
- Latest



















