^

Metro

Metropolitan Theatre, nasunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Metropolitan Theatre, nasunog
Photo shows the Metropolitan Theater in Arroceros, Ermita, Manila where a fire hit on the morning of Friday, June 17.
Release / Manila DRRMO

MANILA, Philippines — Nasunog ang ilang bahagi ng bagong re­novate na Metropolitan Theater sa Arroceros, Ermita, Manila.

Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Department, dakong alas-8:55 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa ticketing office na ginawang barracks ng mga construction worker na patuloy na nagkukumpuni sa gusali.

Alas-9:23 ng umaga nang ideklarang fire under control ang sunog at alas-9:41 ng umaga nang magdeklara ng fire out.

Tanging ang gilid lamang ng gusali ang naapektuhan ng apoy at hindi nadamay ang pinakaloob na teatro. Wala ring naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

Pansamantala na­mang isinara sa motoris­ta ang kalsada patu­ngong Quezon Bridge at bahagi ng Quiapo para bigyan daan ang mga bumbero upang tuluyang maapula ang sunog.

Patuloy ang imbestigasyon para mabatid ang sanhi ng sunog.

Related video:

vuukle comment

METROPOLITAN THEATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with