^

Metro

Sunog sa Maynila: 1 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 60-anyos na lolo makaraang ma-trap sa nasusunog niyang bahay sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Habang isinusulat ito, patuloy pa ring inaalam ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection ang pagkakakilanlan sa nasawi.

Batay sa ulat ng MFD, alas- 4:45 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa V. Mapa St. sa Sta. Mesa.  Agad na iniakyat ito sa ikalawang alarma dakong alas-4:47 ng madaling araw.

Alas-5:36 na ng mada­ling araw nang makontrol ang pagkalat ng apoy at sinundan ng pagdedeklara ng fire-out dakong alas-5:53 na ng umaga.

Nabatid na marami sa mga residente ang hindi nakapagsalba ng mga ka­gamitan dahil sa pagkabigla at mabilis na pagkalat ng apoy. Tinaya ng BFP na umabot sa P500,000 ang napinsalang ari-arian sa naganap na sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy ng mga arson investigators.

MANILA FIRE DEPARTMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with