^

Metro

May mahalagang kontribusyon sa panitikan, pinarangalan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinarangalan ng Kinatawan ng Panitikan ang may 24 grupo at indibiduwal na may natatangi at mahalahang papel sa panitikan sa bansa sa Araw ng Parangal 2022 na isinagawa sa Rembrant sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang programa na may temang “Muling Pagtuklas sa Karunungan ng Bayan” ay bahagi ng selebrasyon sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ngayong Abril.

Sinabi ni Jomar Canega head ng Sangay ng Edukasyon at organizer ng Araw ng Parangal 2022, sa buong buwan ng Abril ay nagsagawa sila ng webinar at lecture tungkol kay Emilio Jacinto at  Francisco Balagtas  bukod sa pagpaparangal sa may 27 state universities na nagpapakilala ng kahalagahan ng panitikan.

Anya ang kanilang samahan ang tanging kumikilala sa mga  organisasyon at indibidwal na nagpapalawak ng kaalaman sa  panitikan ng katutubong wika.

Umaasa rin siya na lalong mapasigla ang pakikiisa ng publiko at lahat ng sektor upang higit na lumawak ang partisipasyon sa panitikan.

PANITIKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with