^

Metro

Delivery rider sa ‘kill threat’ kay BBM, kinasuhan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Quezon City  Prosecutors Office na sampahan ng kasong grave threat ang delivery rider na nagbanta na papaslangin si presidential candidate Bongbong Marcos sa social media.

Ang food delivery rider na si Michael Go  ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code for Grave Threats may kinalaman sa  Republic Act 10175 o Cybercrime Law.

Nagreklamo ang kampo ni Marcos nang mag - tweet si Go sa kanyang twitter account na  @activistblogger at nagsabing  “I was blocked by Marcos Jr . in 2016. Paki sabi mag-ingat siya sa Tandang Sora QC. ‘Pag dumaan siya dun babarilin ko siya. ‘Di ako takot makulong. Hindi rin ako takot mamatay. Isang malaki karangalan ­ipaghigante mga kasama ko aktibista biktima ng karahasan panahon ng martial law.”

Nakakulong na  sa pulisya si Go at pinabulaanan ang alegasyon. SInabi ni Go na ang Twitter account  ay hindi kanya.

Ayon sa City prosecutor,  ang grave threat ay isang krimen laban sa  public security at ito ay nagpaparusa sa sinumang taon na nagbabanta sa kanyang kapwa.

Inirekomenda naman ng prosekusyon ang piyansang P72,000  para sa pansamantalang kalayaan ni Go.

Una rito, ang  kill threat  ay ginawa sa Tiktok. Ang sinasabing may ari ng account ay nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) at nagsabing ang kanyang litrato ay ginamit  sa naturang account na nagsagawa nang pagbabanta sa buhay ni Marcos.

MICHAEL GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with