^

Metro

Miyembro ng Batang City Jail, huli sa droga at submachine gun

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng Batang City Jail, huli sa droga at submachine gun
Si Marvin Potento na nadakip ng mga tauhan ng Pasay City na nasamsam ng mga ilegal na droga at submachine gun sa isinagawang operasyon kahapon sa Malibay, Pasay City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ilegal  na droga at baril ang nasamsam sa isang 27-anyos na miyembro ng Batang City Jail (BCJ) sa isinagawang buy-bust operation ng Pasay City Police, sa nasabing lungsod nitong kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Marvin Potento, alyas Boy/Onse, na kabilang sa drug watchlist ng  Pasay City Police Station.

Dakong alas 11:40 ng gabi noong  Miyerkules nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Potento sa Apelo Cruz St., Brgy. 157 Zone 16, Pasay City .

Sa ulat ni P/Colonel Cesar Paday-Os, ikinasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit, at nang makabili ng shabu ay inaresto na si Potento kung saan nasamsaman dito ang nasa 7.9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P53,720.00 at isang  Cobray 9mm submachine gun,  isang magazine  na kargado ng 5 bala.

Inihahanda na ang pagsasailalim sa inquest proceedings sa Pasay Prosecutor’s Office ng mga reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002),  at RA 10591 (Illegal possession of firearms and ammunitions) in relation to Omnibus Election Code of the Philippines  laban kay Potento.

vuukle comment

BCJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with