^

Metro

Russian Embassy nasunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Russian Embassy nasunog
Sa ulat ni Makati Fire Station duty officer Senior Insp. Eduardo Labrador, alas 8:25 ng gabi nang magsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali ng embahada na matatagpuan sa no. 1245 Acacia corner Mahogany Streets, Dasmariñas Village, na umakyat agad sa ikalawang alarma pagsapit ng alas 8:42 ng gabi.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang Russian Embassy, sa Dasmariñas Village, sa Makati City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Makati Fire Station duty officer Senior Insp. Eduardo Labrador, alas 8:25 ng gabi nang magsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali ng embahada na matatagpuan sa no. 1245 Acacia corner Mahogany Streets, Dasmariñas Village, na umakyat agad sa ikalawang alarma pagsapit ng alas 8:42 ng gabi.

Naideklarang under control ng alas 9:38 ng gabi at fire-out alas 2:10 ng madaling araw, ayon kay Makati Central Fire Station director, Supt. Anthony Arroyo.

Mabilis namang nailikas mula sa gusali ang mga Russian diplomats, consulates at kanilang pamilya na namama­lagi sa gusali kaya’t walang nasawi, nasaktan at nasugatan.

Tinatayang nasa P101,109,576 halaga ng ka­gamitan ang naabo.

Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng apoy na patuloy pang iniimbestigahan.

vuukle comment

MAKATI FIRE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with