Pagbabakuna vs COVID-19 sa edad 5-11, pinapipigil sa korte
MANILA, Philippines — Ipinatitigil ng dalawang magulang sa Quezon City Regional court ang planong pagbabakuna sa mga kabataan may edad 5 hanggang 11- anyos.
Sa isinampang petisyon sa QC court nina Dominic Almelor, dating reporter ng ABS-CBN at na may 7-anyos na anak at Girlie Samonte, ina ng dalawang minors na may edad 7 at 9 na, dapat ipahinto ng korte ang pagbabakuna sa naturang mga minors dahil ito anila ay unconstitutional.
Kinuwestyon ng mga petitioners ang circular ng Department of Health na nagsasaad na mabakunahan ang mga batang may edad 5 hanggang 11-anyos.
Nais ng dalawang magulang na makuha ang paliwanag ng pamahalaan kung bakit kailangang mabakunahan ang mga bata kontra COVID-19.
Ikinatwiran ni Almelor ang kanyang karanasan bilang journalist habang si Samonte na may naisampang kasong kriminal at sibil laban sa pamahalaan laban sa naging karanasan ng anak sa Dengvaxia vaccine rollout.
Ani Almelor, masyadong bata ang kanyang 7 -anyos na anak para malampasan ang epekto ng bakuna.
Sina Almelor at Samonte na pawang kliyente ng Public Attorney’s Office ay nagsabing ang pagbabakuna ay hindi mandato ng batas. Anila wala ring garantiya na ang bakuna ay makapagliligtas sa mga respiratory diseases.
Naniniwala sina Almelor at Samonte na may matinding epekto sa kalusugan ng tao ang paggamit ng COVID-19 vaccine.
- Latest