^

Metro

HVI, 5 pa timbog sa drug ops

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na katao kabilang ang isang high value individual (HVI) ang nasakote matapos masamsaman ng ?492,320.00 na halaga ng shabu sa serye ng anti-drug operation sa Parañaque, Makati at Pasay City, ayon kay Southern Police District Director P/Brig. Ge­neral Jimili Macaraeg kahapon.

Sa Makati City, nalambat sa buy-bust ­operation ng Makati Station Drug Enforcement Unit ang mga suspek na sina Jenifer Mendoza, 40; Sherwin Del, at Richard Mamata, 37, pawang residente ng Barangay Rizal, Makati City, na nakumpiskahan ng nasa 18 gramo ng shabu na may halagang ?122,400.00, dakong alas 2:00 ng hapon ng Disyembre 29, 2021 sa Labradores Compound, Block 137 Lot 10, Brgy Rizal.

Sa Parañaque City, dakong alas 8:40 ng gabi sa Denmark St., Tramo Dos, Brgy. San Dionisio, naaresto rin sa buy-bust ­operation ng Parañaque SDEU at mga tauhan ng Sub-Station 4 ang isa sa top ten target list at kabilang sa high vakue individual (HVI) na si Albert Nuevas Soquena na may mga alyas na “Baba at Goldy”, 32; at Daisilyn Cabanada Grapa, 30, kapwa residente ng Parañaque City nang makuhaan ng 51 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?346,800,00.

Bago mag-alas 12:00 ng hatinggabi naman nang madakip sa Pasay City ng Pasay SDEU operatives sa Block 13, Lot 10, Don Carlos Village Brgy. 187, Zone 20. Ang target sa buy-bust operation na si Ferdinand alyas “Intoy Mata”, 38, kabilang din sa drug watchlist na nasamsaman ng 3.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?23,120.00.

Ang mga suspek ay isasailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ANTI-DRUG OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with