^

Metro

3 AFP officers pinagbabato, namaril: 6 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim katao kabilang ang 3 menor-de-edad ang sugatan nang paputukan ng tatlong opisyal ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na umano’y pinagbabato sa isinagawang Christmas party sa Taguig City.

Ang mga sugatan ay nakilalang sina Edsel Hecita Polo, 28; JD Umbaro Navales, 24; John Carl Marca Sabino,18; at 3 minors na may edad  17, 16 at  14.

Inaresto naman ang mga opisyal ng militar na sina Army Captain Nheiljay Maguddayao Garcia, 31; Probationary 2LT Felomino Maguddayao Garcia, 30; at 1LT Minalyn Awat Ladyong, 29.

Ayon kay PNP Chief Gen. Diornardo Carlos, naganap ang insidente sa Brgy. Pinagsama, Taguig City kamakalawa ng gabi.

Nagki-Christmas party ang mga suspek nang batuhin ng grupo ng mga kalalakihan na kinabibilangan ng mga biktima.

Ikinagalit ito ng mga sundalo na diumano’y naglabas ng M-16 rifle at nagpaputok sa direksyon ng mga makukulit na nambabato.

Agad namang dinala sa ospital ang anim na biktima.

Dinakip naman ng mga otoridad ang tatlong mga opisyal na nakapiit ngayon sa Taguig City police station.

Sinabi ni Carlos na nakikipag-ugnayan ang PNP sa military kaugnay ng insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naganap na insidente. — Ludy Bermudo

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with