^

Metro

SK Federation 2nd general assembly sa Caloocan, tagumpay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tagumpay ang isinagawang 2nd general assembly ng Sangguniang Kabataan Federation (SKF) na dinaluhan ng nasa 156 SK Chairman sa Caloocan City kamakalawa .

Ang naturang event ay sinaksihan  nina Director  Marco Cabuenos ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Caloocan at COA-Caloocan sa pamumuno ni Ms. Leah C. Bernardino.

Nabatid na nasa 142 SK Chairman, budget officers at treasurer  naman ang dumalo sa face-to-face  ‘training workshop’  patungkol sa ‘Financial Transaction of the Sangguniang Kabataan’ sa Caloocan Sports Complex .

Nagbigay pagpugay si Cabuenos sa pamunuan ni SK Fed President Councilor Vince ‘ConVINCEd’ Hernandez. Aniya, pagpapakita lamang  ito ni  Hernandez ng kanyang kahandaan na pamunuan, sagutin at bigyan solusyon ang mga problema sa mga kabataan.

Para kay Hernandez, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa kanyang mga kapwa opisyal sa SK Fed, gayundin ang mga kapwa SK chairpersons.

Nanawagan naman si Hernandez sa mga kasamahang SK officers na paigtingin lalo ang kampanya sa bakuna at tumulong na rin sa pag-coordinate hinggil sa nalalapit na face-to-face class sa Caloocan.

“Malaking tulong po tayo sa paghihikayat sa mga kabataang hindi pa rin nagpapabakuna at ang masinsinang koordinasyon natin sa mga eskuwelahan at magulang para maging ligtas ang nalalapit na pagbubukas ng face-to-face class sa Caloocan,” ani pa ni Hernandez.

 

vuukle comment

SK FEDERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with